Isinilang na ni Kapuso actress Joyce Ching ang panganay niyang anak kay Kevin Alimon nitong Sabado, Oktubre 26.
Sa Instagram post ni Joyce sa parehong petsang binaggit, makikita ang larawan nilang mag-asawa kasama ang kanilang baby.
“Our firstborn is finally here. We love you so much, our little Hawhaw. Thank you to everyone who prayed for us,” saad ni Joyce.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kasamahan at kaibigan ni Joyce sa industriya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
Inah Estrada: "Congrats, Joyce "
Jason Abalos: "Congratulations :) sakto nong bday Bash :)"
Rodjun Cruz: "Congratulations sa inyo @chingjoyce welcome to the world Baby Girl "
EA Guzman: "Congrats guys!!!"
Anna Vicente: Congratulations ate !!!!!
Anna Cay: “Congrats sis enjoyyyy”
Matatandaang sayang ibinahagi ng Kapuso actress ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account noong Hunyo.
Pero bago pa man ito, nauna nang naibahagi ni Joyce ang tungkol sa pagdadalang-tao niya noong Marso sa pamamagitan ng isang vlog.
MAKI-BALITA: Joyce Ching, apat na buwan nang buntis!