October 21, 2024

Home SHOWBIZ

Lola Amour member, doktor na!

Lola Amour member, doktor na!
Photo courtesy: Lola Amour (FB)

Masayang ibinahagi ng Lola Amour member na si Angelo Mesina na isa siya sa mga nakapasa sa October 2024 Physician Licensure Examination, kaya masasabing isa na siyang lisensyadong doktor. 

Mababasa sa Facebook post ng Lola Amour, "OUR BOY MADE IT!!!!! EVERYONE SAY CONGRATULATIONS DOC MESINA FOR PASSING THE BOARDS!!"

Kalakip ng post ang dalawang larawan ni Mesina na nagpapakita ng "before and after."

Ang unang larawan, makikita ang batang Angelo na nangangarap daw na maging isang doktor. 

Musika at Kanta

TJ Monterde, KZ Tandingan proud 'parents' kay BINI Colet

At ngayon, mukhang natupad na niya ang pangarap, kahit na aktibo ang karera sa musika. 

Sumikat ang Lola Amour dahil sa hit song na "Raining in Manila" at naitampok pa sa concert ng bandang "Coldplay."

Si Mesina ang tumutugtog ng trumpet at guitar sa nabanggit na Filipino rock band.