October 08, 2024

Home SHOWBIZ

Boobay, pinangarap maging si Vice Ganda?

Boobay, pinangarap maging si Vice Ganda?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Vice Ganda (FB)

Inamin ni Boobay na minsan din daw niyang pinangarap na maabot ang mga narating ng mga kapuwa niya komedyanteng tulad nina Vice Ganda, Ai Ai Delas Alas, at Eugene Domingo.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 7, nausisa si Boobay kung sapat na raw ba ang mga nakuha niyang tagumpay sa kasalukuyan.

Ayon kay Boobay: “Pumapasok din po sa isip ko ‘yon, Tito Boy, na sana dumating ‘yong pagkakataon na maabot ko rin ‘yon”.

“Pero ‘yon nga, sabi ko kay Lord, kung dito na lang, kuntento na ako. Because I was able to do my purpose in life which is to entertain,” dugtong pa niya.

KC Concepcion, gumanda ang feeling nang magkasundo mga magulang

Gayunman, kung pagbibigyan pa raw siya ng iba pang pagkakataon, gagawin umano ni Boobay ang best niya at hindi raw niya bibiguin ang Diyos.

Sa kasalukuyan, may serye ng international shows si Boobay kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magsisimula sa Taiwan sa darating na Oktubre 13.