September 27, 2024

Home SHOWBIZ

Priscilla Meirelles, naniniwala sa second chance

Priscilla Meirelles, naniniwala sa second chance
Photo Courtesy: Priscilla Meirelles (IG)

Ibinahagi ng Brazilian model-actress na si Priscilla Meirelles ang pananaw niya tungkol sa pagbibigay ng second chance in terms of love.

Sa latest episode ng kasi ng “Luis Listens” kamakailan, inusisa si Priscilla ni TV host-actor Luis Manzano kung naniniwala ba siya sa ikalawang pagkakataon.

“O, yeah. I do,” tugon ni Priscilla. “I do believe in a second chance…and you know, if given a chance, why not?” 

Kaya naman natuwa si Luis na makapanayam si Priscilla dahil nakita raw niya ang other side nito.

Kung makakabalik sa nakaraan: Priscilla, 'di muna papakasal nang maaga

“Kasi nga, for the longest time, you would always just guest. Pagka-start ng taping and we do whatever show tapos after niyon, babye,” ani Luis.

Dagdag pa ng TV host-actor: “But I’ve always appreciated you and your presence so I’m happy for where you are right now.”

Samantala sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi naman ni Priscilla ang ilang na-realize niya ngayon sa buhay lalo na nang dumating ang pandemya.

MAKI-BALITA: Priscilla, naubos kakabigay sa iba; uunahin munang mahalin ang sarili