January 22, 2025

Home BALITA National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!
photo courtesy: Noel Pabalate | MB

Inanunsiyo ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na magdaraos sila ng panibagong transport strike sa susunod na linggo.

Ayon sa PISTON,  ikakasa nila ang tigil-pasada sa Setyembre 23 at 24 upang ipakita ang kanilang pagtutol laban sa Public Transport Modernization Program (PTMP) na dating kilala sa tawag na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Dagdag pa nila, makikiisa rin sa naturang kilos-protesta ang grupong Manibela.

Kabilang umano sa mga hihilingin nila sa naturang pagkilos ang pagbasura sa PTMP; pagkansela sa puwersahang konsolidasyon ng prangkisa; pag-renew ng prangkisa at rehistro ng lahat ng PUV operators, kabilang na yaong tumanggi sa konsolidasyon.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Bukod dito, nais din ng grupo na itigil ang PUV phaseout programs, at ang budget para dito ay ilaan na lamang sa rehabilitasyon ng mga tradisyunal na jeepneys at subsidiya para sa lokal na industriya.

Hihilingin din nila na pahintulutan na mag-withdraw yaong nakapasok na sa konsolidasyon ng prangkisa.Matatandaang 2017 pa nang ilunsad ng pamahalaan ang naturang programa ngunit naantala ang implementasyon nito bunsod na rin nang pagtutol ng ilang transport groups.