November 13, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Dekada '70, libreng mapapanood sa GSIS Theater!

Dekada '70, libreng mapapanood sa GSIS Theater!
Photo Courtesy: ABS-CBN Film Productions Inc. Star Cinema (FB)

Isang magandang balita ang hatid ng Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa mga mahilig sa classic film dahil libreng mapapanood ang adaptasyon ng “Dekada ‘70” ni Chito S. Roño sa GSIS Theater.

Sa Facebook post ng CCP Film, Broadcast, and New Media kamakailan, mababasa ang anunsiyo at mga detalye kaugnay sa libreng film screening.

“Baybayin ang kwento ng katapangan at pagkamulat ni Amanda Bartolome sa CCP Arthouse Cinema: Dekada ‘70 film screening sa GSIS Theater, Setyembre 19, 1:00 PM,” saad dito.

Maliban sa film screening, susundan din umano ito ng talkback session kasama ang ilang mga bumubuo sa nasabing pelikula.

Pelikula

Kathryn nagpakatotoo, umamin: 'Some days, I just felt so exhausted!'

Ang Dekada ‘70 ay unang naisulat ni Lualhati Bautista bilang nobela at kalaunan ay isinalin sa dulang pampelikula na idinirek ni Roño. Pinagbibidahan ito nina Star for All Seasons, Vilma Santos, Christopher de Leon, Piolo Pascual, at marami pang iba.

Kaya naman para sa mga nais magpatala, bisitahin lamang ang sumusunod na link: https://bit.ly/Dekada70-August19-GSISTheater.

Inihahandog ng CCP at Government Service Insurance System (GSIS) ang nasabing programa katuwang ang ABS-CBN Sagip Pelikula.