September 20, 2024

Home SPORTS

Lausanne dump post in EJ Obiena, idinaan sa ramen date?

Lausanne dump post in EJ Obiena, idinaan sa ramen date?
Photo courtesy: EJ Obiena (IG)

Ibinahagi ni World’s No.3 Pole Vaulter EJ Obiena sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Agosto 23. 2024, ang ramen date niya kasama si Greek Pole Vaulter Emmanouil Karalis sa Lausanne, Switzerland.

Sa Instagram post ni Obiena kasama ang kaibigang si Karalis, makikita ang iba’t ibang larawan at videos na parte ng Lausanne leg ng Diamond league kung saan nagtapos siya sa ikatlong puwesto.

“Lausanne activity dump,” caption ni Obiena.

Biro naman ni Koralis, “we had the most romantic date in Lausanne.” Sinakyan ito ng mga netizens na sinabing ito na raw ang hard launch ni Obiena sa kaniyang relationship status.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Maraming fans din ang pumuso at natuwa sa kaniyang post na nakaabang sa pagsabak niya sa Silesia leg ngayong Linggo, Agosto 25, 2024, sa ganap na 9:30 ng gabi.

Kate Garcia