December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Anderson, pinarangalan ng PCG

Gerald Anderson, pinarangalan ng PCG
Photo Courtesy: Star Magic (IG)

Pinarangalan si Kapamilya actor Gerald Anderson ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagtulong niya sa mga nasalanta ng bagyong Carina kamakailan.

Sa Instagram post ng Star Magic noong Huwebes, Agosto 8, makikita ang mga kuhang larawan ng pagbibigay kay Gerald ng PCG Auxiliary Search and Rescue medal and ribbon.

“We are truly grateful for the honor you have given Gerald May we all strive to be heroes to our Kapamilyas in need,” saad ng Star Magic sa caption.

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen si Gerald matapos kumalat ang larawan nito na lumusong sa baha para tulungan ang pamilyang na-trap sa loob ng bahay.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

Dahil sa ginawa niya, marami umano ang nagtutulak sa aktor na tumakbo bilang kongresista sa darating na midterm elections. 

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, kinukumbinseng mag-congressman

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa siyang inilalabas na reaksiyon o pahayag tungkol dito.

Samantala, sa isang Instagram post ni Gerlad, nagpaabot siya ng dasal para sa mga Pilipinong naapektuhan ng nasabing bagyo.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, nagpaabot ng dasal sa mga biktima ni Carina