September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Coco Martin, mapapabilang sa 'Pamilya Sagrado'

Coco Martin, mapapabilang sa 'Pamilya Sagrado'
Photo Courtesy: Dreamscape Entertainment (IG), Screenshot from ABS-CBN News (YT)

Kinumpirma mismo ni “FPJ’s Batang Quiapo” lead actor-director Coco Martin na mapapabilang siya sa primetime series na “Pamilya Sagrado.”

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kamakailan, sinabi ni Coco na hindi raw siya nag-alinlangang umoo nang kunin siyang action scene director para sa nasabing teleserye.

“No’ng tinext kami—’yong ‘Batang Quiapo’—na baka pwede kaming tumulong kasi may mabigat na action scene, siyempre alang-alang kay Sir Deo, dahil lahat kami mga anak niya, e, andito kami para sumuporta. Saka sabi ko nga, isang malaking karangalan sa akin na ma-direk ko si Kuya PJ at lahat ng veteran actors dito," saad ni Coco.

"Dinala ko nga ‘yong buong team ng 'Batang Quiapo' para sabi ko nga, siguraduhin natin na maganda ‘yong magagawa natin para mas makatulong pa sa show kasi maganda 'yong programa," aniya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Samantala, aminado naman si Coco na hindi madaling idirek ang serye. In fact, may mga pagbabago raw na kailangan agad ayusin. 

"Sa awa ng Diyos, sabi nga namin minsan, redirection ‘yong binibigay sa amin. Mas napaganda pa nga ‘yong sitwasyon, ’yong location namin, mabigat,” aniya.

Dagdag pa niya: “Honestly nai-stress kami ngayon, pero kinakaya naman kasi nae-excite kami kasi maganda ang istorya."

Bukod sa nahirapan din daw silang humanap ng lugar na pagsho-shootingan, hamon din kay Coco kung paano niya iibahin ang estilo ng mga maaaksyong eksena para hindi matulad sa “Batang Quiapo.” 

Pero kahit mahirap, masarap umano sa pakiramdam na ang ginagawa niya sa “Pamilya Sagrado” ay nakatuon lang sa pagdidirek. 

Natutuwa rin umano siya dahil nakikinig sa kaniya ang mga batikang artista tulad nina Joel Torre, John Arcilla, at marami pang iba.