September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rob Gomez, nag-react sa engagement ng ex-jowa

Rob Gomez, nag-react sa engagement ng ex-jowa
Photo Courtesy: Shaila Rebortera, Rob Gomez (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapuso Sparkle artist na si Rob Gomez hinggil sa engagement ng ex-jowa niyang si Shaila Rebortera.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Sabado, Hulyo 27, hiniling niya umano ang kasiyahan ni Shaila sa bago nitong boyfriend na si Luigi Agtoto.

“Wala na tayong magagawa. Sana maging masaya siya,” saad ni Rob.

Sa isang Instagram post kasi ni Shaila noong Hulyo 16 ay ibinahagi niya ang mga larawang kuha nang alukin siya ng kasal ni Luigi.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaang nagkahiwalay sina Shaila at Rob matapos sabihin ng huli na single umano siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

MAKI-BALITA: Rob Gomez, inaming may pagkakamali sa ex-live-in partner

Tuluyang natapos ang kanilang relasyon nang kumalat sa social media ang mga screenshot ng convo ni Rob sa dalawa niyang “Magandang Dilag” co-stars noong Disyembre 2023.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?