Na-reveal na kung sinong aktres ang tinutukoy sa "She is Ready" post ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment patungkol sa isang nagbabalik-telebisyon.
Tama ang karamihan sa mga hula ng mga netizen na ito ay walang iba kundi si Julia Montes.
MAKI-BALITA: 'She is ready' post ng Dreamscape, hinuhulaan; wish ng fans, sana si Angel Locsin
Si Julia ang bibida sa Philippine adaptation ng "Mother" na may pamagat na "Saving Grace," na mula sa Nippon TV ng Japan.
Makikita ito sa mismong Instagram posts ng Dreamscape Entertainment.
Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) • Instagram photos and videos
Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) • Instagram photos and videos
Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) • Instagram photos and videos
Ito ang kauna-unahang kolaborasyon ng ABS-CBN Studios at Nippon TV.
Bali-balitang makakasama ni Julia sa nabanggit na serye si Megastar Sharon Cuneta na nauna nang nagkaroon ng welcome back contract signing sa ABS-CBN kamakailan.
Trending sa X ang #JuliaMontesTVComeback dahil dito.
Huling serye ni Julia ang "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan at idinedirehe ng kaniyang "rumored partner" na si Coco Martin.