"Nainggit" si Asia's Soul Supreme at "The Voice Teens" coach KZ Tandingan sa basketball player na si Kai Sotto, hindi dahil sa kotse nito, kundi dahil naaabot daw at nakikita nito ang bubong ng kaniyang sasakyan.

Sa TikTok, ibinahagi ni KZ ang larawan ni Kai habang nakasandal sa kotseng kagaya ng sa kaniya, na isang Toyota FJ Cruiser.

Ngunit dahil sa "kakapusan" sa height ni KZ, hindi raw niya nakikita ang bubong ng kaniyang sasakyan.

"bat naman ganon," aliw na saad ni KZ.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Biro ng mga netizen, nagmistulang "Wigo" kay Kai ang nabanggit na SUV.

Saad naman ng ilang netizen, pasalamat na lang daw si KZ na may bagong kotse na siya, may mapagmahal pa siyang mister. Kasal si KZ sa kapwa singer na si TJ Monterde

"PEEEERRRRRIODTTTTT!! emeee haha," reaksiyon ni KZ.

[embed]

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 2.8M views ang video ni KZ sa TikTok.