Cute na cute ang mga netizen sa flinex na larawan ng Kapamilya Star na si Ivana Alawi na nagpapakita sa kaniyang leading man at direktor na si Coco Martin ng patok na action drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Napitikan kasi ni Ivana si Coco habang nakapamintana at nakalawit ang dila sa kaniya.

Ibinahagi naman ito ni Ivana sa kaniyang Instagram stories.

Photo courtesy: Ivana Alawi (IG)

Kinakikiligan ngayon ang tambalan nina Coco at Ivana sa serye bilang sina "Tanggol" at "Bubbles."

Teleserye

Na-miss mo ba sina B1 at B2? 'Bananas in Pyjamas,' magbabalik na!

Si Ivana na ang bagong love interest ni Coco matapos umexit sa serye si Lovi Poe bilang "Mokang," matapos pansamantalang magpahinga para makasama ang kaniyang afam na mister.