Tila lagi raw may takot na maiwan ang Kapamilya star na si Daniel Padilla ayon sa momshie niyang si TV host-actress Karla Estrada nang kapanayamin siya ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano.

Sa latest episode ng vlog ni Bernadette noong Linggo, Mayo 12, emosyunal na ibinahagi ni Karla ang malungkot na alaala umano ni Daniel.

“No’ng tinanong si Daniel no’ng kaibigan ko [...] Sabi niya: ‘ano ba ang malungkot na alaala mo kay mama mo?’ Ang sagot ni Daniel: ‘no’ng lagi niya akong iniiwan no’ng bata ako.’ Kaya takot siya lagi na parang maiiwan siya.” kuwento ni Karla.

“So, I wrote a letter. Nagsulat ako para sa anak ko. Humingi ako ng sorry. Sabi ko: ‘anak, nalaman ko na ang isa palang nakakapagpalungkot sa ‘yo ay ‘yong naiiwan ka. Ang alaala mo no’ng bata ka, lagi kitang iniiwan,’” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Dagdag pa niya: “So, sinabi ko do’n sa letter ko: ‘gusto ko lang malaman mo, anak, na ‘di kita iniiwan dahil gusto ko lang umalis. Umaalis ako no’n kasi kailangan kong magtrabaho para mabuhay ka at matulungan ang miyembro ng pamilya.’”

Ayon kasi kay Karla, isa pa lang daw siyang young struggling mother noon. 20-anyos siya nang isilang niya si Daniel. Pero sa kabila ng mga naging pagkukulang niya bilang ina, nakabawi na raw siya rito.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay ibinahagi ni Karla isa mga lubak niya umano sa buhay.

MAKI-BALITA: Lumaking walang tatay: Karla Estrada, mabilis ma-fall sa lalaki