“Sinugod” ni Rendon Labador ang kapuwa niya social media personality at paresan owner na si Deo Balbuena o mas kilala bilang “Diwata.”

Sa Facebook post ni Rendon nitong Biyernes, Abril 19, ibinahagi niya na kinabahan daw si Diwata sa bigla niyang pagpunta sa paresan owner.

“Sabi ko nag bago na ako, kaya nga #LabLabLabador na ❤️ Binigyan ko ng isang buong Lechon De Las Piñas si Diwata bilang pasasalamat sa pagiging inspirasyon sa mga kababayan nating gustong mag tagumpay buhay,” saad ni Rendon.

Samantala, sa isang hiwalay na post, matutunghayan ang Facebook reels na ibinahagi ni Rendon kung saan nagpaabot siya ng pasasalamat kay Diwata.

Human-Interest

ALAMIN: Ilang proseso ng Comelec sa COC ng mga ‘wanna be’ na makapasok sa politika

“Isa ka na ngayon sa nagiging inspirasyon ng mga kabataan, ng mga negosyante, pati ‘yong mga nandito ngayon na tumatangkilik sa ‘yo,” wika ni Rendon.

“So sana, guys, suportahan natin si Diwata palagi,” dugtong pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay inaresto si Diwata dahil sa kasong isinampa sa kaniya noong 2018. Pero agad din naman siyang nakapagpiyansa sa halagang ₱3,000.

MAKI-BALITA: Diwata inaresto dahil sa kaso noong 2018, nakapagpiyansa sa halagang ₱3k