May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: Lalaking gumamit ng improvised oxygen, nasa maayos nang kalagayan!

#BalitaExclusives: Lalaking gumamit ng improvised oxygen, nasa maayos nang kalagayan!
Photo courtesy: Rainiel Bonancia/FB


Kinumpirma ng netizen na si Rainiel Bonancia na nasa mabuti nang kalagayan ang kaniyang amang si George Bonancia.

Matatandaang nag-viral ang Facebook post na ibinahagi ni Rainiel kamakailan, kung saan makikitang ginamit nila bilang improvised oxygen ang isang bentilador, dahil nahihirapang huminga ang kaniyang 78-anyos na tatay.

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: 78-anyos na lalaki, gumamit ng improvised oxygen; nananawagan ng tulong!-Balita

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Rainiel,
kinumpirma niyang maayos na ang kaniyang ama, at hindi na rin ito kinailangang dalhin pa sa ospital.

“Di po nadala sa hospital. Bali may pumunta din po na doctor dito sa amin pinadala ni Gov. Lray Villafuerte po,” saad ni Rainiel.

Aniya, “Meron na din po kami natanggap na tulong po.”

Makikita naman sa Facebook post ni Rainiel na pinasasalamatan niya ang netizens na nagpaabot ng tulong sa kaniyang ama.

“Maraming salamat po sa mga tumulong kay papa, at tumutulong pa. ‘Yan po siya ngayong araw. Medyo okay naman daw po ang paghinga niya kaya po nagpahinga po muna siya now mag-oxygen po,” ani Rainiel.

Masaya naman ang netizens sa patuloy na pag-inam ng kalagayan ng 78-anyos na tatay ni Rainiel.

“Praise God! Praying for continuous healing po. God bless tatay and sa buong family.”

“sana tuloy tuloy nayan tito pagaling ka po”

“Than[k] u lord laban lang manoy we always love u”

“God bless po”

“Hay salamat ta ok na sya…magiging full recovery man po yan kaya thank you Lord. God is good talaga all the time.palakas ka po. para maging totally full na po ang recovery mo po. God bless you po and your whole family always po.”

Hiniling niya naman ang ganap at tuluyang na paggaling ng kaniyang tatay sa karamdaman nito.

“Magpagaling ka na papa para ‘di ka na nahihirapan sa kalagayan mo na ‘yan. Basta always ka lang magtiwala sa Diyos, ‘di ka pababayaan ni Lord. Salamat at muling bumalik ang lakas ng loob mo papa para labanan ang iniinda mo na sakit. I love you papa!” mensahe ni Rainiel sa kaniyang ama.