Nagbigay ng pahayag ang “It’s Showtime” host na si Teddy Corpuz para sa mga naninira umano sa kanilang noontime show.

Sa X post ni Teddy nitong Linggo, Abril 7, sinabi niya na sa halip na manira ay mas mabuti raw na mag-focus na lang ang mga bashers TV na gusto nito.

“Yung pinag aaway nyo kami, pero bakit di nalang tangkilikin parehas? Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nag nanais mapasaya kayo,” saad ni Teddy.

“Kung di ka masaya sa isa, eh di dun ka sa kabila at wag ka na lang manira. Focus ka sa tv mo at wag sa tv ng kalaban mo,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumang-ayon at natuwa tuloy ang mga netizen sa tinuran ni Teddy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ang sarap naman pakinggan gaking mismo sayo. Tama lahat ng sinabi mo Kuya Ted. Maaaring nasa isang kumpetisyon kayo pero lagi dapat binabalikan yung end goal... MAPASAYA ANG PILIPINO. As a solid Dabarkad, I am happy with ShowTime. Mas marami, mas masaya. Congratulations po.”

“Mismo”

“True po pg ayaw xa isa doon nlang xa kabila yon lang para happy happy lang ❤❤❤we love u showtime family”

“C O K E M I S M O tara na’t MAGSALOSALO”

“tama”

“So true lang”

“Agree. Kung Di nyo trip yung style ng ginagawa nila, Wag na naman siraan at iinsist yung gusto nila. May freedom of choice naman to switch channel.”

“Cristy Marites Fermin left the group 😂😂”

Matatandaang binanatan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang isa sa mga co-host ni Teddy na si Vice Ganda matapos nilang pumirma ng kontrata sa GMA Network.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, binanatan si Vice Ganda sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA