Isang helicopter ang nag-landing sa isang kapatagan sa Guindulman, Bohol, hindi dahil sa nasiraan ng makina, may medical emergency, o masamang panahon, kundi dahil sa saranggola.
Ayon sa viral Facebook post ng netizen na si Andrew Bayhon Bernaldez-Ruaya Lacar noong Marso 7, lumapag ang helicopter dahil may sumabit daw na nylon o lubid ng saranggola sa elisi o rotor blades nito.
Wala namang nasaktan o napaano sa nabanggit na emergency landing na ikinagulat naman ng mga residente.
@ STA. LUCIA tungod lng sa nylon sa tabanog hinongdan nag emergency landing Ang helicopter sa M LHUILLIER pawnshop diri sa St. Lucia, Trinidad, Guindulman, Bohol March 07, 2024 @11:30am nahitabo...ug ka ng duha ka tao nagpa pctr mao na cla sakay sa helicopter mga anak sa M LHUILLIER pawnshop aheheh..." mababasa sa caption ng uploader.
Matapos maalis ang pagkakasabit ng nylon ng saranggola sa elisi ay umalis din kaagad ang piloto nito sakay ang dalawa pang pasahero.