Dalawang weather system ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Marso 8.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, patuloy na umiiral sa bansa ang northeast monsoon o malamig na hanging amihan at ang easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Ayon sa PAGASA, malaki ang tsansang magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan na may katamtamang pag-ulan sa Batanes at Cagayan, at ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Wala namang inaasahang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samantala, posible raw na magdulot ang easterlies at localized thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible naman daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).