Nagsalita na si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano kung totoo ba ang mga tsikang babalik siya bilang main host ng reality show na "Pinoy Big Brother" sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa panibagong season.

Sa panayam kay Toni sa isang FM radio station, sinabi niyang sapat na siguro ang 16 taong pagiging host niya nito, at it's about time na ibigay na ito sa iba pang host.

In fairness naman daw, magagaling ang mga bagong line-up ng hosts na pinangungunahan ni Bianca Gonzalez, habang ang ilan ay sina Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee, at Melai Cantiveros, na pawang nakaranas ding maging housemates.

"Ay... feeling ko, ano, may mga bagong magagaling na hosts and it's their time to shine," anang Toni.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

"Parang feeling ko the 16 years that I gave... I've given sa PBB parang ano na 'yon, that was special and memorable in my heart, pero sobrang gagaling na ngayon ng mga host ng PBB and I'm sure they will continue the legacy ni Kuya."

Matatandaan nagbitiw sa PBB si Toni nang ma-cancel siya nang todo-todo nang magsilbing campaign rally host siya ng UniTeam doong Pebrero 2021.

Sey naman ng dalawang hosts, kapag sinabing PBB, ang naiisip daw agad nila ay si Toni.

Tugon naman ni Toni, baka dahil sa tagal na rin niyang host nito kaya siya ang naiisip ng mga tao.

"Eh siyempre medyo 16 years siyang naging bahagi ng buhay ko so, part na rin 'yon ng aking pagkatao."

Nagbabalik si Toni para sa pelikulang "My Sassy Girl" katambal si Pepe Herrera, na mapapanood na sa mga sinehan.