Nabigyan ng pagkakataon si Kapuso comedienne Pokwang na makatrabaho sina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Enero 19, pinag-usapan nina Jun Nardo, Amber Nabus, at Rose Garcia ang bagong ganap ni Pokwang sa buhay.

“Siya nga ‘yong addition sa ‘Jose and Maria Bonggang Villa 2.0’ na magsisimula na ngayong January 20 sa GMA 7,” saad ni Rose.

“All over GMA-7 si Pokwang. Mayroon na siyang daily. Tapos nag-guest pa siya sa ‘Abot Kamay na Pangarap’ as herself,” sabi pa ni Jun.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nagkaroon ng unang season ang nasabing sitcom noong 2022 at ngayong taon nga ay muling magbabalik.

“Pero alam n’yo ba,” dagdag naman ni Rose, “mayroong hanash ‘yan today. Kasi birthday ni Malia today…So, si Pokie ay nag-post siyempre. Mararamdaman mo naman ‘yong kaya niyang ibigay para sa kaniyang dalawang anak. 

“Tapos nag-post din itong si Lee O’Brian ng happy birthday. Bumati rin sa anak with matching emote din. Naku, galit na galit si Mamang. Sabi niya, ‘Nagpapakaama ka na naman sa social media! Ang kapal!’ aniya.

Matatandaang noong Disyembre 2023 ay tuluyan nang pinadedeport ang American actor at dating partner ni Pokwang.

MAKI-BALITA: Lee O’Brian pinadedeport na; Pokwang, nagbunyi