Kinaaliwan ng maraming netizens ang marriage proposal ng isang lalaki sa Navotas City kay Kapuso actress Jillian Ward sa mismong foundation day ng nasabing lungsod.

Sa video kasing ibinahagi ni Jillian nitong Martes, Enero 16, makikitang lumapit sa kaniya ang grupo ng kabataang may buhat na isang lalaki para ibigay nito sa aktres ang dalang singsing.

In fairness, hindi tumanggi si Jillian. Walang pag-aalinlangan niyang inilahad ang kanang kamay para maisuot ng lalaki ang singsing na isa palang metal gasket.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey niya tuloy sa caption ng flinex niyang video: “May kalawang pa eh”

Dahil dito, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang post ni Jillian. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Welding ring 😂”

“panis yung 299 haha”

“iba talaga mga taga navotas 😭”

“WHAHAHAHAHAHA WHY NAMAN BINIGYAN NG SINGSING NA MAY KALAWANG”

“lupit talaga ng mga Taga navotas agora HAHAHAHAHA”

“pakihanap po si kuya guy”

“Ganda nyupo kanina sa parada”

“Grabe ang isang Jillian Ward, napakabait🥰”

“Bukod tanging pinarada sa Navotas na Sobrang napasaya ang mga tao Napakabaet 😘😘😘”

“aanhin mo naman kasi yuh mamahalin na sing-sing kung walang sincerity.”

Sa kasalukuyan, habang isinsulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 141k reacts at 1M ang nasabing video.