Kasalukuyan umanong kumakalat ang tsismis na buntis daw ang aktres na si Ruffa Gutierrez kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Enero 17, tinalakay ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa isyung ito.

Ayon sa kaniya, hine-headline umano ng mga blogger ang pagbubuntis ni Ruffa samantalang wala pa naman daw pormal na pag-amin ang aktres.

Ang nakakaloka pa raw rito, sabi naman ng co-host niyang si Romel Chika, lumilitaw din ang tsikang ikinasal at na-miscarriage daw si Ruffa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaya para matuldukan na ang pagkalat ng mga ganitong kuwento tungkol kay Ruffa, tahasang sinabi ni Cristy na fake news daw ito.

“Wala pong katotohanan. Hintayin po natin silang magsabi nang pormal sa atin. From the horse’s mouth, ‘ika nga natin, kung sila ba talaga ay magkarelasyon na,” saad ni Cristy.

“Huwag naman ‘yong ganyan. Ni-railroad n’yo naman agad sa pagdadalang-tao,” aniya.

Dagdag pa ni Romel, kung wala pa namang pormal na pag-amin sina Ruffa at Herbert, huwag ding mag-conclude agad dahil lang nakita silang magkasama.

Matatandaan kasi na noong Pasko ng 2021 ay nag-celebrate nang magkasama ang dalawa kaya hindi sila nakaligtas sa intriga ng mga Marites.

MAKI-BALITA: Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez nagcelebrate ng Christmas na magkasama