Tila naging maganda raw ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Umabot na raw kasi sa ₱700 million ang total gross ng 10 pelikulang nagsalpukan sa takilya.

MAKI-BALITA: Total gross ng MMFF 2023 umabot na sa ₱700M

Hindi hamak na mas malaki ito kumpara sa kinita ng mga pelikula noong nakaraang taon sa nasabing film festival na umabot lamang sa ₱500 million.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya naman, usap-usapan ang tungkol sa bagay na ito sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Enero 5.

“Nakikita ko nga, e, bago matapos ang January 7 you will never know baka umabot na tayo ng bilyon,” saad ni showbiz insider Rose Garcia.

“Tapos may balita rin na posibleng mag-extend pa. Na sana nga mag-extend pa…ang showing,” aniya.

Dagdag pa ni Rose, “Rewind” pa rin umano nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang patuloy na namamayagpag sa takilya bagama’t nilinaw naman niyang wala pa raw kumpirmasyon ang balitang ito.

Matatandaang “malutong” na pinagmumura ng mga netizen ang mag-asawa matapos nilang mapanood ang nasabing pelikula noong magsimula ang first day ng showing.

MAKI-BALITA: Marian, Dingdong ‘malutong’ na pinagmumura ng netizen dahil sa ‘Rewind’