Na-hack ang official Facebook page ng Quezon Memorial Circle mula nitong Biyernes, Disyembre 29.

Dahil sa insidenteng ito, nagbigay ng babala ang Quezon City LGU sa mga sumusubaybay sa naturang page.

‘Mas jackpot pa sa lotto?’ Socmed post ng PCSO, pinagkaguluhan ng netizens

“Nais po naming ipaalam na na-hack ang Official Facebook page ng Quezon Memorial Circle (www.facebook.com/quezonmemorialcircle.official). Anumang content o post na lumabas simula noong December 29, 2023, 11:00AM, mula sa nasabing page ay hindi opisyal na nagmula sa Quezon Memorial Circle administration,” anang LGU.

Naglabas kasi ng malalaswang content ang hacker ng page.

Humingi naman ng pasensya ang LGU.

“Humihingi kami ng pasensya at pang-unawa habang gumagawa ng mga hakbang ang lokal na pamahalaan para maisaayos ang insidenteng ito. Hahanapin at pananagutin ng lokal na pamahalaan ang mga hacker.”

May be an image of text

Samantala, kamakailan lamang ay na-hack din ang Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Maki-Balita: ‘Mas jackpot pa sa lotto?’ Socmed post ng PCSO, pinagkaguluhan ng netizens