Takang-taka ang mga netizen sa Christmas greetings ni Megastar Sharon Cuneta na makikita sa kaniyang Facebook post nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

"Merry Christmas from me and my four angels (my gremlins😂😂😂)!!! Love you all!🎄🎄🎄❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻," aniya sa caption.

Kalakip ng post ay throwback photo nila ng panganay na anak na si KC Concepcion, na anak niya sa unang asawang si Gabby Concepcion.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Siyempre, kasama niya ang mga anak nila ni Atty. Kiko Pangilinan na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Ngunit napansin ng mga netizen na "putol" ang ulo ng mister sa picture.

Kaya tanong tuloy ng mga netizen, okay lang ba ang mag-asawa? Sadya lang ba ito o nagkataon lang?

"Paskong pasko… Gumaganito si Megastar Sharon Cuneta. Tsismis, layuan mo ako," sabi pa ng isang X user na nagbahagi nito sa nabanggit na platform.

https://twitter.com/jokenkenAR/status/1738906814358671669

Sa mismong comment section ng FB post ni Mega, kaniya-kaniyang espekulasyon naman ang mga netizen.

"Muntik nang maputol si RA 10630 amendment of RA 9344 Juvenile Justice and Welfare Act or nag bibigay karapatan at protection sa mga minor na kriminal."

"May something na naman sa kanila ni kiko.... 😔😔😔"

"The photo says it all. May you find the true happiness and peace this season. Stay strong and positive, my idol since elementary days."

"I think its not merry this Christmas to my idol... Hope you're still happy this Christmas. God bless..."

"What is wrong with her?"

"Why naman may pagputol ng ulo ni Sen Kiko Pangilinan ???"

Samantala, may ilang netizens naman ang nagtanggol sa ginawa ni Shawie.

"Kasi ang post is about her angels lang o mga anak, hindi kasama si Kiko."

"Guys, mukha okay naman sila Madam Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Baka pinutol lang ulo kasi yung caption ni Madam, “Merry Christmas from me and my four angels. Support natin movie nila ni Alden Richards."

"Hoyyyy kinabahan ako bigla. Mahal na mahal ko si Madam@sharon_cuneta12 Sharonian here pero ang weird lang kasi hindi naman yan nag crocrop ng photo si Madam eh."

Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Shawie na parang pagod na siya sa buhay kaya hindi muna siya magreregalo ngayong Pasko.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, pagod na sa maraming bagay

MAKI-BALITA: ‘Skipping Christmas!’ Shawie pagod sa Pasko, pagod na rin sa buhay?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Sharon tungkol dito.