Natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos tanggapin ang mahigit sa ₱55 milyong halaga ng illegal drugs mula sa Amerika sa ikinasang controlled delivery operation sa Trece Martires, Cavite, nitong Martes.

Sa report ng PDEA-Pampanga, inaresto nila si Michael Florendo, 36, sa Brgy. Hugo Perez, dakong 8:00 ng gabi.

Dumating ang package na naglalaman ng shabu sa Port of Clark mula sa Long Beach, California, United States of America nitong Disyembre 17, 2023.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Pampanga Provincial Office, PDEA-Clark, Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark, PDEA-Cavite, at ng pulisya.

Nasa kustodiya na ng PDEA-Region 3 sa City of San Fernando, Pampanga ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).