MABINI, Batangas — Dalawang Koreano ang namatay at isa ang naospital dahil sa suffocation habang nasa loob sauna room ng isang resort sa Barangay Mainit, nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 7, sa bayang ito.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Sun Tae Kim, 67; Yun Seok Seo, 63, at Hak Neung Kim, 59.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa inisyal na imbestigasyon na bandang alas-3 ng umaga, nagtungo sa sauna room ang mga umano’y lasing na koreano.

Nang dumating ang mga sauna attendant para suriin, nakita nila ang tatlong biktima na nakahandusay sa sahig at walang malay.

Kaagad, iniulat ito at ipinadala sila sa Camilus Hospital kung saan idineklarang patay sina Tae Kim, at Seo habang naka-confine naman si Neung Kim.

Magsasagawa ng autopsy examination ang Batangas Provincial Forensic Unit, habang isinasagawa naman ang imbestigasyon ng Mabini Police.