Ipinagtanggol ni dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate Pamu Pamorada ang isang nagngangalang “Sofia” o “Sofie” dahil sa mga nagagalit umano rito.

Sa X post ni Pamu kamakailan, may himutok siya sa mga netizen na nagagalit umano kay “Sofie”.

“I mean bkt kyo nagagalit kay sofie? To think na wala nman syang ginawa.” saad ni Pamu.

Sabi pa niya sa naunang post: “Mga nagagalit kay sofia for sure ganun din gawaain.🤦🏻‍♀️ kalokaa kayo.”

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing post. Bagama’t walang binanggit si Pamu kung sino ang “Sofia” na tinutukoy niya, tila may ideya ang mga netizen kung sino ito. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Mga bi what you guys expect friends sila ni kath at sila yung may alam Ng totoo jusme kung sa friends nyo yun ginawa ganon din gagawin nyo kung nagbigay may ng hint si sofia so what yun yung way nya para kahit paano malaman yung totoo nakikisawsaw agad mga shunga ah”

“Haha mga apologist ni Andrea 🤢”

“i like sofia as a friend ni kath, ‘di pwedeng tumahimik lang habang may nasasaktan.”

“ang dami ipokrita dito..natural reaction yan ng mga magkakaibigan,artista man o hindi..diba ginawa rin yan ng frends ni A”

“If wala kayong friend like Sofia, kawawa naman kayo”

“Ngayon alam niyo na???? 💔💔💔 Malalapit na yan Kay Kath! Mahal ko si DJ Pero di ko siya itotolerate, ang Mali ay Mali...choice Niya yan e (sad) Di nalang tlga kinaya ni Kath 😭”

“May jewelry endorsement si sofia guys kaya may 💎 🥹 bat naman inassume ng kabila na si B ang pinatatamaan. Bakit ba sinasalo nila.”

“Bakit walang patutsada Kay DJ? nagtatanung lang Po ☺️”

Matapos kasing kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang balitang hiwalay nila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account, naging usap-usapan ang cryptic post umano ng aktres na si Sofia Andres.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Makikita sa litrato na ibinahagi ni Sofia sa kaniyang Instagram story ang emoji ng isang diamond na nasa pinto ng isang bahay. At ang pangalan umano ng gumawa ng nasabing pinto ay Andrea Palladio na isang Italian architect.

Bagama’t walang binanggit na anomang malinaw na detalye, maraming netizens ang naghihinala na si Andrea Brillantes umano ang tinutukoy sa naturang Instagram story.

Matatandaang bago pa man isapubliko nina Kathryn at Daniel ang kanilang break up, umugong na ang balita na palihim umanong nagkikita ang huli at si Andrea.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?