Inanunsyo ng Supreme Court nitong Martes, Disyembre 5, na 36.77% o 3,812 sa 10,387 examinees ang pumasa sa 2023 Bar examinations.

Sa tala ng SC, kinilala si Ephraim Porciuncula Bie mula sa University of Santo Tomas bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 89.2625% score.

Sinundan naman siya ng Top 2 na si Mark Josel Padua Vivit mula sa Ateneo de Manila University na may score na 89.1250%, at Top 3 na si Frances Camille Altonaga Francisco mula sa San Beda University na may 88.9125% score.

Samantala, hinirang bilang top performing law school ang Ateneo de Manila University na nakakuha ng 94.08% overall passing rate.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Pumangalawa naman ang San Beda University na may passing rate na 92.20%, habang pumangatlo ang University of San Carlos na may 90.91% passing rate.

Kasama rin sa top 5 law schools sa naturang exam ang University of the Philippines (89.45% passing rate) at ang University of Santo Tomas (85.25% passing rate).

Isinagawa umano ang tatlong araw na Bar exams noong Setyembre 2023.

Pagbati, Bar passers! ⚖️