Magandang balita para sa mga motorista dahil inaasahang magkakaroon na ng pagluluwag ng daloy sa trapiko sa lungsod ng Maynila, partikular na sa tapat ng Manila City Hall, bunsod nang muling pagbubukas ng Lagusnilad Vehicular Underpass.

Mismong sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo-Nieto ang nanguna sa pagbubukas ng underpass dakong alas-8:30 ng umaga nitong Martes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama rin nila sa aktibidad, sina Department of Public Works and Highways (DPWH) South Manila District Engineer Mikunug Macud, Congressman Irwin Tieng, at City Engineer Armand Andres.

Ayon kay Lacuna, timing ang Lagusnilad reopening sa nalalapit na Kapaskuhan.

Magiging malaking kaluwagan kasi aniya ito para sa mga motorista.

"Finally, ngayong umaga ay mabubuksan na po natin itong Lagusnilad, saktong-sakto po ito sa paparating na Kapaskuhan," anunsiyo ni Lacuna.

Matatandaang isinarado ang naturang underpass ng halos anim na buwan, simula noong Mayo, upang isailalim sa rehabilitasyon.