Ipinagtanggol ni “Fearless Diva” Jona Viray si “Asia’s Songbird” Regine Velasquez mula sa netizen na pumuna sa performance nito.

Sa Instagram post kasi ni Jona nitong Linggo, Nobyembre 26, ibinahagi niya ang video clip ng performance nilang dalawa ni Songbird sa concert nitong “Regine Rocks”.

“Congratulations our dearest Songbird @reginevalcasid and the whole team for tonight's #RegineRocks !!!” saad ni Jona sa caption ng kaniyang post.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

View this post on Instagram

A post shared by JONA (@jona)

Dagdag pa niya: “Grateful and always honored to share the big stage again with Ate.. Together with Mori and Klang❤️❤️❤️ Maraming salamat po🥰👆”

Hinangaan at pinuri ng mga netizen ang naging pagtatanghal ng dalawa. Pero isang netizen ang tila hindi nasiyahan. Umeksena ito at pinuna ang boses ni Regine.

Narito ang kaniyang komento:

“Nagbago na ng husto yung boses nung Regine Velasquez she’s having a hard time hitting the higher notes @ bumirit”

Buwelta naman ni Jona: “ah ma'am 54yo na rin po si Ate, tao po siya, hindi robot, tao po😊”

Matatandaang si Jona ang naging grand champion noong 2005 sa singing talent show ng GMA Network na “Pinoy Pop Superstar” kung saan naging host si Regine.

Samanta, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Regine hinggil dito.