Nakauwi na sa Pilipinas si Michelle Marquez Dee nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 25, matapos ang kaniyang naging laban sa 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador.

Sa kaniyang X post, nagbahagi si Michelle ng isang larawan ng kaniyang pagdating sa bansa.

“Touchdown, FILIPINAS! #home,” caption ng Pinay beauty queen sa naturang post.

Matatandaang natapos ang journey ng Pinay beauty queen sa ginanap na Miss Universe noong Nobyembre 19, 2023 bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Ngunit hindi man nakapasok sa Top 5, hindi pa rin matatawaran ang karangalang inuwi ni Michelle sa bansa lalo na’t apat na special awards ang kaniyang natanggap sa naturang pageant: ang “Best National Costume Award,” “Spirit of Carnival Award,” “Miss Universe’ fan vote,” at ang “Voice for Change Award,” kung saan naka-highlight dito ang kaniyang advocacy para sa autism acceptance at empowerment.

https://balita.net.ph/2023/11/24/michelle-dee-wagi-ng-best-national-costume-sa-miss-universe-2023/