Hindi ipatutupad ang number coding scheme sa Lunes, ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ginawang regular holiday ng pamahalaan ang Nobyembre 27 kung saan inilipat ang Bonifacio Day mula sa orihinal na petsang Nobyembre 30 alinsunod sa Proclamation No. 90.

Ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa "1" at "2" ay hindi muna huhulihin ng MMDA sa nasabing araw.

Gayunman, sinabi ng MMDA na ibabalik din nila ang implementasyon ng number coding sa Martes, Nobyembre 28.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC