Nagbigay ng reaksiyon ang TV host-actor na si Luis Manzano sa picture ng kaniyang inang si Vilma Santos kasama si Kapuso star Mavy Legaspi nitong Biyernes, Oktubre 10.

“hi mom @rosavilmasantosrecto! haha 💙okay ba? kuya @luckymanzano” saad ni Mavy sa text ng kaniyang Instagram story.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

View this post on Instagram

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)

“Naguluhan na rin ako bro! 😂😂😂😂” sagot naman ni Luis.

Photo courtesy: Luis Manzano (IG)

Mapagkakamalan kasing si Luis ang kasama ni Vilma sa larawan lalo na sa unang tingin.

Tila dumadami na talaga ang nagiging kamukha ni Luis sa mundong ito. Matatandaang kamakailan lang ay nagbahagi rin siya ng reaksiyon sa kumakalat na arawan at video ng dalawang taong kahawig niya.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, nalilito na sa dami ng kamukha

Pero sa magkahiwalay na post, mas kamukha umano ni Mavy ang aktor na si Aga Muhlach sa nasabing larawan ayon sa ibang netizens. 

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“I thought u are Aga 2.0 HAHAHAHA”

“Mas aga muhlach nakikita ko eh 😂”

“Mas kamukha mo c aga mulach.”

“Kamukha ni @agamuhlach317”