Natimbog ng pulisya ang dalawang umano'y carnapper sa ikinasang entrapment operation sa Lipa City, Batangas kamakailan.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Col. Samso Belmonte, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Alex," taga-Bauan, Batangas at alyas “Edison” na taga-Lipa City.

Sa police report, ang operasyon ng Bauan Municipal Police Station at Batangas Provincial Highway Patrol Team ay isinagawa sa Brgy. Sabang, Lipa City, nitong Nobyembre 10 ng gabi.

Nitong Nobyembre 9, tinangay umano ng dalawang suspek ang isang nakaparadang motorsiklo sa Brgy. Durungao, dakong 10:15 ng gabi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang naturang motorsiklo ay narekober din ng pulisya sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (ANti-Carnapping Act of 2016).