Inamin ni award-winning actor Christopher De Leon na wala umano siyang pangarap maging artista noon.

Sa eksklusibong panayam ni showbiz columnist Cristy Fermin nitong Huwebes, Nobyembre 9, naitanong niya sa aktor kung mahilig na rin ba itong umarte noong bata pa lamang lalo pa’t mula siya sa pamilya ng mga artista.

“Hindi ko inambisyon maging artista. I was taking fine arts. And I wanted to work for sa mga advertising companies,” kuwento ni Christopher.

Pero nakakapunta umano siya sa mga shooting noon dahil driver siya ng kaniyang kapatid na si Pinky De Leon. Kaya nakikita niya raw ang mga artistang gaya nina Hilda Koronel at Dante Rivero. Hanggang sa yayain umano siyang umekstra-ekstra.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Shy type ako, e,” natatawang sabi ni Christopher. 

“But noong mayroong audition noong ‘Tinimbang Ngunit Kulang’... sabi sa akin ng daddy ko, mag-audition ka. So I did. Nakuha ko naman ‘yung role,” dagdag pa ng aktor.

Simulo noon, nagtuloy-tuloy na ang pamamayagpag ni Christopher sa larangan ng pag-arte. 

Sa kasalukuyan, ginagampanan niya ang karakter ni “Ramon” bilang totoong ama ni Coco Martin na gumaganap bilang “Tanggol” sa teleseryeng “FPJ’s Ang Batang Quiapo”.