Preview (opens in a new tab)

Ipatutupad na sa Nobyembre 3 ang provisional toll rate adjustment sa South Luzon Expressway at Muntinlupa-Cavite Expressway.

Sa anunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB), ipinagbigay-alam sa kanila ng SMC SLEX Incorporated at Manila Toll Expressway Systems na sisimulan nila ang pagkolekta sa dagdag toll sa nasabing petsa.

Ito ang unang toll rate adjustment sa SLEX mula noong 2011.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang singil sa mga motorista na bibiyahe mula Alabang hanggang Calamba ay madadagdagan ng ₱10 sa class 1, ₱20 sa Class 2 at ₱30 sa Class 3.

Ang mga bibyahe naman mula Calamba, Laguna patungong Santo Tomas, Batangas ay kailangang magbayad ng dagdag na ₱4 para sa class 1, ₱6 para sa class 2, ₱8 para sa class 3.

Ang susunod na provisional toll increase sa SLEX ay inaasahang ipatutupad sa susunod na taon.