Umabot pa sa 69 na pagyanig ang naramdaman sa Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod sa volcanic earthquake, naitala rin ang 43 rockfall events sa nakaraang 24 oras na monitoring ng ahensya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nagbuga rin ang bulkan ng 935 tonelada ng sulfur dioxide nitong Oktubre 22, ayon sa Phivolcs.

Nagkaroon din ng lava flow sa 3.4 kilometrong bahagi ng Bonga Gully.

Apektado rin ng pagragasa ng lava ang 2.8 kilometrong bahagi ng Mi-isi Gully at 1.1 kilometrong bahagi ng Basud Gully.

Nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkan at ito ay nangangahulugang mapanganib pa rin ang pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) nito.