Kasalukuyang trending ngayon sa X (dating Twitter) ang EDSA at #NeverAgain matapos na hindi isama ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa listahan ng mga holiday na idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa taong 2024.
Maki-Balita: Malacañang, inilabas listahan ng holidays sa 2024; EDSA anniversary, ‘di kasama?
Habang isinusulat ito umabot na sa 5,984 post ang tungkol sa EDSA habang nasa 5,393 naman ang #NeverAgain.


Marami kasing netizens ang napatanong kung bakit hindi kasama sa listahan ng holidays sa susunod na taon ang EDSA anniversary, na taunan namang idinideklara kahit na walang batas na nagsasabing dapat itong ideklara bilang holiday.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ng Office of the President (OP) hinggil dito.
Ayon sa OP nitong Biyernes, Oktubre 13, hindi umano nakasama ang anibersaryo ng EDSA sa listahan ng special non-working days dahil natapat daw ang Pebrero 25, 2024 sa araw ng Linggo.
“The Office of the President maintains respect for the commemoration of the EDSA People Power Revolution. However, it was not included in the list of special non-working days for the year 2024 because February 25 falls on a Sunday,” saad ng OP.
Maki-Balita: OP, may pahayag sa ‘di pagsama sa EDSA anniversary sa holidays para sa 2024