Hindi napigilang mag-react ng netizens nang magpakita ng suporta si Batangas Vice Governor Mark Leviste kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Matatandaang naging laman ng balita ang bise presidente dahil sa kontrobersyal na confidential funds ng kaniyang tanggapan.

VP Sara: ‘Ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan’

MAKI-BALITA: ₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

Sa X account ni Leviste, ibinahagi niya ang isang larawan na may nakasulat na: “I stand solidly with my vice president.” May #SaraAll naman ang kaniyang caption.

Bukod sa X, ibinahagi rin ni Leviste ang parehong larawan sa kaniyang Instagram story.

Umani ng reaksyon mula sa netizens ang nabanggit na X post.

"So you stand with someone who does not want to be accountable and transparent to the Filipino people? Confidential funds are public funds, Vice Governor Leviste. As a public servant, you of all people should know that."

"As expected from birds of the same feathers."

"buti nilaglag ka ni kris. deserve!!!"

"Because? Pareho kayong 💩"

"Buti na laang talaga at hindi kita binoto.."

"bakit, season na ba for loyalty check?"

"Basura!!! Ewwwwww"

"Pero di masagot San nagastos 125M.. hahaaha"

"Weird. Asking for transparency is persecution now???"

"MAS KADIRI KA PA SA TAE"

"nakakahiya ka"

"HUh para saan?"

"Di ka talaga tatanggapin ni Kris"

Kamakailan lamang, dinipensahan ni Duterte ang confidential funds ng kaniyang tanggapan at iginiit na ang mga taong kumukontra rito ay kumokontra umano sa kapayapaan.

“Confidential funds play a vital role in maintaining security by providing the necessary resources to address unforeseen challenges swiftly and decisively,” pahayag ni Duterte.

“Makinig kayo sa lahat ng sinasabi sa palibot ninyo at tandaan ninyo, kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan,” saad pa niya

Maki-Balita: VP Sara: ‘Ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan’