Nanawagan ang Bureau of Fisheries Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na huwag na kumain ng shellfish sa tatlong lugar sa Samar at Eastern Samar dahil apektado ng red tide.

Sa abiso ng BFAR nitong Biyernes, kabilang sa mga lugar na may red tide ang Barangay Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar, coastal waters ng Calbayog City, Samar; at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Saklaw ng Matarinao ang coastal waters ng General MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo sa Eastern Samar.

Paglilinaw ng BFAR, isa sa sanhi ng red tide ang pabagu-bagong panahon.

“To safeguard human lives, we are issuing this warning as a precautionary advice to the public to refrain from gathering, selling, and eating all types of shellfish and Acetes sp. locally known as 'alamang' or 'hipon' from these bays,” dagdag pa ng BFAR.