“Space and its mysteries...”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang nakuhanan nilang larawan ng “dramatic view” ng planetang Jupiter at ng volcanic moon nito na "lo."

Sa isang Instagram post, pagkatapos lamang ng 53rd close flyby ng spacecraft sa Jupiter noong Hulyo 31, 2023, mabilis itong nakadaan sa Io at nakuha ang naturang kamangha-manghang larawan ng parehong celestial bodies.

“Tiny but mighty! The surface of Io, the most volcanically active world in the solar system, is marked by hundreds of volcanoes that regularly erupt with molten lava and sulfurous gases,” anang NASA.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“The spacecraft will gather additional images and data from its suite of scientific instruments during closer passes in late 2023 and early 2024,” dagdag pa nito.

Marami namang netizens ang nagpaabot ng appreciation at pagkamangha sa naturang post ng NASA na umabot na sa 393,464 likes.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

“Cheers to the cameraman who is drifting about space to get these pictures.”

“The most owed picture 🙌❤️.”

“I love the universe, it is so splendid 🫀.”

“Jupiter is really interesting 🌌❤️.”

“Space and its mysteries are just so amazing! Never fails to enthral me... I don't think I've seen an image of Io before ... so cool!!!”