Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Setyembre 8, kaugnay sa ‘false article’ tungkol sa lunas umano sa diabetes.

Sinabi ito ng DOH matapos kumalat ang isang artikulo na may maling impormasyon mula sa isang Facebook account na may pangalang “Journey to get rid of diabetes”.

“The Department of Health (DOH) warns the public against a circulating post using the name of Secretary Teodoro Herbosa and the UP-PGH in a fabricated scenario and link to spread false information,” saad ng DOH.

Nililinaw din ng ahensya na wala umanong kahit anong pahayag o senaryo na inilalabas mula sa departamento at maging sa mga opisyal nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The Department reminds everyone that non-communicable diseases and comorbidities such as diabetes can be prevented by practicing healthy habits such as proper diet and exercise among others,” dagdag pa nila.

Sa huli, sinabi ng ahensya na magsasampa sila ng kaso sa mga tao na nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing maling impormasyon kung magpapatuloy pa ang mga ito. Hinikayat din ng ahensya ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mga lehitimong sanggunian gaya sa opisyal na website at social media sites ng DOH.