Inanunsyo ng Department of Agriculte (DA) na matagumpay ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa bansa.

So far, as of yesterday, ma-re-report natin na nagkaroon tayo ng 95 percent na success rate, which means nag-comply po ang ating retailers. Ninety-five po ‘yan kasi siyempre, hindi po natin maiiwasan na mayroon po talagang mga umaalmang retailers," sabi ni DA spokesperson, Legal Services director Willie Ann Angsiy.

“Even if may mga umaalma, patuloy pa rin po tayong nag-di-disseminate ng information para po ma-explain sa kanila na importante pong sumunod sa ating price cap, at mabibigyan po natin sila ng ayuda basta po ay sumunod po lamang sila," anang opisyal.

Sinagot din ni Angsiy ang rason ng ibang retailers na mataas ang presyo ng nabili nilang regular milled at well-milled rice at sinabing tutulungan naman ng gobyerno ang mga ito, katulad ng pagbibigay ng pinansyal, logistics at market linkages.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“With respect to maintaining po ‘yung stock level ng ating retailers, we are working closely with PRISM (Philippine Rice Industry Stakeholders Movement), private sector, and our importers para ma-ensure po na magkakaroon ng stock. Kinakausap din natin ang ating farmers para maging direkta ang pag-deliver ng stock from farmers to directly to the retailers na, diyan po tayo mag-i-intervene," anang opisyal.

Matatandaang naglabas ang Malacañang ng kautusan para sa price ceilings kung saan itnakda sa P41 kada kilo ng regular milled rice habang P45 naman sa well-milled rice.