Ni-release na ang 33-seconds teaser ng bagong song parody ni Michael V. o “Bitoy” sa kaniyang official Facebook page nitong araw ng Miyerkules, Setyembre 6.

Sa caption ng post nakasaad ang sumusunod:

Ilang tulog na lang…

“Waiting Here sa Pila”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

By Lola Kanor

#BBLGang

Ang nasabing kanta ay parody ni Bitoy sa “Raining In Manila” ng bandang “Lola Amour”. Ni-release ito noong June at ngayon ay isa na sa mga sikat na awitin sa loob at labas ng social media.

Maraming netizen ang na-excite sa pagre-release ng buong kanta.

“Chills to the bones with matching excitement.”

“Can't wait 😍😍”

“Cant wait ganda yan for sure”

“Ayos kaabang abang n nmn 👍👍👍”

“May ka abang abang na naman from comedy genius....Idol Bitoy. Bravo!!!”

“excited na me☺️🎉👏👏”

“the legend is back again 💗”

Matatandaan na noong Hulyo ay ginawan din ni Bitoy ng parody ang kantang “Uhaw” ng bandang “Dilaw” na isang paalala umano para sa mga content creator na alamin ang tunay na kahulugan ng “content”.