“Movie or concert?” tanong ng netizens

Kamakailan ay nagkita sina Michael V. at Vice Ganda nang maging panauhin ang una sa “It’s Showtime” para sa birthday celebration ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nang makita ng netizens ang pagsasama ng dalawang showbiz personalities ay nagrerequest ang mga ito ng collaboration.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Agosto 21, ibinahagi ni Bitoy na tuwing magku-krus ang landas nila ni Vice Ganda ay isa lang daw ang pumapasok sa isip niya.

“Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… ‘possibilities’,” saad ng tinaguriang “Kapuso Comedy genius”

“In a time na parang ‘puwede na,’ ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?” dagdag pa niya.

Ito na kaya ang hudyat na puwede silang magsama sa iisang pelikula, concert, or vlog?

Sa comment section kaniya-kaniyang hinuha ang netizens. Nagsa-suggest na sila na puwedeng gawin ng dalawa kung sakaling magco-collab sila.

"Script na nag nagkapalit kayo ng buhay.. Mini series... Theme na Nagawa na .. But I'm sure with your creative genius the plot twist and execution would be hilarious and awesome"

"Movie or concert"

"The personalities like you are inspiring possibilities! Keep it up guys♡♡♡"

"Sya ang kapit bahay nyo ni Elsa na balik bayan. Si Pepita"

"Comedy movie. Yung nag-swap kayo ng character."

"Yes, we haven't seen VG and MV in a comedy show. And we are excited. But what I am really looking forward is Ogie's comeback in BG. Please please"

"Riot sa katatawanan yan for sure.. Movie na yan idol"

"Movie sana idol sama nyo n rin c Bossing para sa MMFF pang-Pasko. Or mag-guest c Vice sa BBG o sa Pepito."