Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuloy pa rin ang implementasyon ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa National Capital Region (NCR).

Ipinatutupad ang UVVRP tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, maliban na lamang kung holiday.

Sa ilalim ng sistema, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Paglilinaw ng ahensya, exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicle services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, marked vehicle ng gobyerno, trak ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at essential goods.