LIAN, Batangas — Nalunod sa dagat ang isang menor de edad na estudyante noong Sabado, Agosto 12.

Sinabi ng pulisya na dumating ang biktima, residente ng Sitio Balabag Araw, Barangay Bungahan, kasama ang pamilya nito sa isang beach resort dito para mag-swimming.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Lumangoy ang biktima ngunit kalaunan ay nawala ito at pinaniniwalaang nalunod dahil sa malakas na alon.

Natagpuan ang biktima matapos ang 15 oras na paghahanap ng mga rescuer noong Linggo ng umaga, Agosto 13, sa Barangay San Diego sa bayang ito.

Ang insidente ay ini-report sa Lian Municipal Police Station ni Coast Guard officer PO1 Rommel Bastona.

Danny Estacio