Nagtagumpay na naman si Filipino tennis phenom Alex Eala nitong Linggo matapos hablutin ang W25 Roehampton Final sa Great Britain.

Pinadapa ng 18-anyos na si Eala ang katunggaling si Russian-born Australian tennis player Arina Rodionova sa straight sets, 6-2, 6-3.

Ang naturang titulo ay ika-2 nito sa International Tennis Federation (ITF) ngayong taon at ika-apat sa kanyang career.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Nitong Mayo 2023, pinaluhod ni Eala si Swiss Valentina Ryser sa dalawang sets sa W25 finals sa Yecla, Spain.

Matatandaang naiuwi ni Eala ang unang titulo nito sa ITF matapos paluhurin si Spanish Yvonne Reimers sa Manacor, Spain noong Enero 2021.

Tinalo rin nito si Thai player Luksika Kumkhum sa Chiang Rai, Thailand noong Abril 2022.